PAGLISAN
Sa una'y nahilo ako.
Ngunit heto ka, nakatayo,
Habanag hawak ang aking sorpresa,
sa kabilang kamay naman ay kutsilyo.
Pangalawa, biglang kirot sa aking tiyan,
Hindi lang isa, kundi sampung ulit.
Tagos sa laman, paulit-ulit.
Dati'y nangangarap tayong magkasamang tatanda,
Magkakaroon ng tatlong anak,
Magpapatayo ng tahanan sa tabing-dagat.
Pero bakit parang biglang nawala?
Sa pangatlo, sumayaw ang malamig na hangin,
Binibigkas mo "Patawad, may mahal na akong iba."
Ngunit bumibigat na ang aking mga mata.
Unti-unting bumabagsak sa malamig na dilim,
mga salitang hindi ko nasabi’y nanatiling nakabitin.
Comments
Post a Comment